Sunday, June 8, 2008

ANAK NG TETENG!

Darius Gabriel Bugarin

Introduction

“Nag-aaral ba ang mga estudyante para matutong kumahol o mag oink-oink?”

I

Nuong bata pa ako, parati akong kasama ng Tatay ko sa bukid at nakalubog sa putikan. Katiwala kasi ito ng may-ari ng bukid na sinasaka sa aming probinsiya at umaasa lamang kami sa kinikita sa tuwing anihan. Madalas din akong kasama ang Nanay kong nagtitinda ng bibingka at kakanin sa palengke. Hindi ko na nga din matandaan kung ilang taon pa lang ako noon. Dahil din kasi hindi pa ako nag-aaral at lalong hindi pwedeng maiwan na lang basta sa bahay. Wala rin ang mga kapatid ko dahil pumapasok sa eskwela. Sayang! Sana nag-aaral na rin ako, para matuto na akong bumasa at magsulat. Ayoko kasing parating nakalusong na lang sa putikan o magtinda ng puto’t kutsinta. Dahil alam ko na kahit tubuan ako ng ugat sa bukid ay hindi ako mamumunga ng palay. Mahirap yatang maging magsasaka ka lang!

II

Hindi nga nagtagal ay nag-aral na rin ako. Pero ano ka at panay naman ang panunukso sa akin ng mga ka-klase at kababata ko. Kasalanan ko ba naman kasing maging makendeng ang aking mga balakang at beywang? Kasalanan ko rin bang maging mahinahong magsalita?… Mga unggoy sila! Ewan ko ba kung bakit tila wala silang kakulangan kung kaya’t parati nila akong minamaltrato. Pero ang alam ko, mga “Bobo” rin sila, katulad ko. Kung palakol na ang grades ko ay mas lalo pa sila. Kung makapagbibigay nga lang ng mas mababa pa ang guro namin sa limampu, malamang ganoon ang mga marka nila. Buti pa ang baboy hindi ako tinutukso, kahit parati itong marurungis at mabaho.

III

Dahil na rin sa hirap ng buhay namin noon kung kaya't parati na lang kaming inaapi. Mga kasuotan nami’y pinaglumaan na ng kung sinu-sino nuong panahon pa ng hapon. Ewan ko ba kung bakit? Kaya naman pati mga gamit namin sa eskwela ay luma rin. Ni hindi nga kami mabilhan ng magulang naming ng libro dahil mahal. Nakikibasa na lamang kami sa ka-klase. Hanggang sa matutunan ko ring magbasa ng komiks. Nangarap tuloy ako nuon na lumipad at maging super hero, para makatulong sa mga magulang ko. Pero imposible pala ito. Hindi tutoo ang komiks. Nadadaya nito ang kaisipan ng mga batang mambabasa. Pero nakakatuwa at kahanga-hanga naman ang mga manunulat (ngayon ko na nga lang napatunayang matanda na ako).

IV

Bukod sa hindi ko naman pala talaga kayang maging si Medusa o si Pokwang dahil sa pagbabasa ng komiks, inabutan pa ako ng kurot at pingot sa Nanay ko ng mahuli akong nakikibasa ng komiks sa mga nagbabasa sa aming palengke. Sayang lang daw ang binabayad ko dito imbes na mag-ipon ako at ipambili nalang ng makakain. Hehe… para namang may pambayad ako, once in a blue moon lang ako makahawak noon ng singkong tanso. Ang tansong nagsanhi ng pagkaubos ng ngipin ko sa kasu-supsop ng lollipop at tira-tira. Madalang akong makakain ng masasarap na pagkain kundi pingot. Ano nga ba ang magagawa ko? Ipinanganak akong may kutsaritang kina-kalawang. Sa tuwing naiimbitahan lang na magluto ang Nanay naming sa mga handaan, saka lang kami nakakatikim ng mga mama-mantikang pagkain. Madalas naming pinagsasalu-saluhan ang tinapa, tuyo, adobong kangkong at tapik-tapik o bagoong isda na binahugan ng tubig. Naka-kamay kasi kami kung kumain at isina-sawsaw ang mga daliri sa bagoong at idinadampi sa kanin bago isubo.

V

Masarap kaming kumain ng buong pamilya. Ang ilan ay nakapatong ang paa sa upuan, habang ako at ng bunso kong kapatid ay naka-upo sa ibabaw ng lamesa. Nariyang may umutot, dumighay ng malakas at bumahin. Wala lang sa amin. Ang madalas kong marinig sa mga mayayaman ay ka-babuyan daw ang mga ganuon. Laking pagtatawa ko na lang sa kanila. Kasi, may baboy bang umuutot, dumidighay at bumabahin? Ulti mo ang matunog na paghigop ng sabaw ba ay sa baboy din makikita? Paano na kaya ang mga hapon at intsik? Hindi ba’t pag hindi ka matunog humigop ng sabaw o kumain ay para mo ng isinabi sa kanilang hindi masarap ang kanilang ihinain? Dapat bang tumulad ang lahat sa mayayaman? Wala na ba kaming karapatang kumain ayon sa gusto naming estilo? Nek-nek nila!… Noon nga ay mahirap lang ang kumakain ng kangkong. Pero ngayon ay kumakain na rin sila. Nagpapatunay lang na mas may natututunan ka sa buhay kung ika’y salat sa yaman. Matututunan mong mangarap at magkaroon ng ambisyon sa buhay. Malalaman mo ang halaga ng bawat bagay na napa-sa-iyo at kaya mo lang bilhin. Alam mo ang hirap na dinadanas ng mga magsasaka o nag-aani ng palay, gulay at iba pang mga bungang nakakain at ibinebenta. Dahil kung wala ang mga ito ay ano na lang din ang kanilang makakain? Baka gusto na rin nilang pakialaman ang pagsusuot ko ng brief?… Okay lang. Susyal, di ba? Baka hindi rin nila alam na ang tinitirahan nila ngayong Mansyon ay gawa sa mga naibenta kong mga bakal at kinakalawang na pako. Oo, namumulot ako sa mga basurahan ng mga bakal at plastik para maibenta, para may maibili kahit retaso man lang na pamatid sa gutom naming tiyan. Mahirap talaga maging mahirap, at mahirap ding maging mayaman.

VI

Kung mayaman kaya ako?... Magsusulat ba ako ng ganito? Marahil ay hindi o oo. Baka lagi ako sa gimikan at nakikipag-tsikahan sa mga gimikero. Wow, sarap 'non! Nagmamaneho at bumubusina ako gamit ko ang magara at sarili kong kotse! Mga tunay na kasuotan at alahas. Hindi mga peke na nabibili lang kung saan-saan, at mga naglalako lamang. Minsan pa nga siguro ay sa mga nanghahablot na lang basta, at instant na may gamit ka na. Tulad ng relo at cellphone. Wow, N-Series pa at hindi na ang dating may sungay na pwedeng panusok sa mata ng magnanakaw. Kung sabagay, sa tingin ko ay mas safe kung ganoon pa rin ang cellphone sa ngayon. Hehe... Nasubukan ko rin ang bumili ng pabango na wala pang isang minuto ang amoy. Kailangan kasing kumita din sila kaya isang bote ng original na pabango ay nagagawa nilang isang daan. At least, nakatikim ka ng ganuong pabango kahit isang minuto, at nalaman mo na ganuon pala ang amoy non. Saka, malay ko bang hindi tunay 'yon? Kayo ba, alam n'yo? Okay na yun! Sa dami ba naman ng mga naglalabasang produkto ngayon at nagsusulputang mga pekeng bagay ay mapapansin pa ba? Ni hindi nga ito masolusyunan ng gobyerno, eh. Marami talagang bagay ang nagbabago habang tumatakbo ang panahon. Tulad ng mga artistang sa ngayon'y namumulitika na, at mga pulitikong nag-aartista naman. Ang mga mahihirap na ngayo'y yumayaman sa utang at mayayamang mayayabang. Hay... malas ko lang talaga at kahit ano pang gawin kong text sa mga programa sa telebisyon ay di man lamang ako tyempuhing tumama kahit minsan. Baka kidlat, pwede pa. Wag naman. Kayrami ko na ring naipon na pinagbalatan ng kung anu-anong mga produkto at maghulog, baka sakaling manalo. Wala pa rin. Kung pagsasama-samahin namin ng pamilya ang mga naipon ay baka mas malaki pa ang bilang nito sa premyo. Ngayon, ayun! Sinunog na lang namin at baka dumami pang lalo ang mga alaga namin daga at ipis, na nakikiagaw at nakikihalo pa sa aming mga pagkain. Okay lang sana kung tulad ang mga ito ng manok na after 45 days ay pwede ng karnihin. Hehe... busog siguro ako parati. Pwede ko kaya itong ibenta sa palengke? O di kaya ay magtayo kami ng maliit na kainan na Teteng's Special Daga BBQ at Crispy Ipis Especial. Sarap!... Pero, malay natin baka sa susunod ay kumakain na rin ang mga mayayaman ng ganito, tulad ng kangkong at tuyo.

VII

Subukan ko kayang magsulat tulad ni Bob Ong?... Sino nga ba si Bob Ong?... Ewan ko. Hindi ko siya kilala. Maliban na nga lang siguro kung nakalimutan ko ang pangalan nya. Tulad ng naging reference din nya sa l\libro n'yang “Stainless Longganisa” na nagmula sa isinulat ni Jim Paredes na “Humming In My Universe”. Naniniwala ako sa salitang ito. Kasi, totoo namang makikilala mo lang ang isang tao kapag nakalimutan mo ang pangalan nito at muling maaalala. Madalas kasing mangyari sa akin ito. May mga taong pilit kong inaalala ang pangalan. Habang isinasabi at tinatanong ko ang iba ay unti-unti ko itong nakikilala at naisasabi ko ang kanyang mga nagawa. Ewan ko kung mali ako o tama. Basta, yun ang alam ko. Magaling dinkasi si Bob Ong na nakapili nito para isali sa kanyang libro. Kaya naman kahit hindi ko gaanong naintindihan ang kanyang mga mensahe sa libro ay ayos pa rin. Siguro, sa bawat dalawa o tatlong pahina nito na mababasa mo ay may mga makukuha ka namang aral o katatawanan. Magaganda ang mga tittle ng kanyang mga isinulat. Ang hindi ko lang gaanong makuha ay kung bakit “Stainless Longganisa” ang titulo ng kanyang pang-limang libro? Pero, bakit nga ba hindi? S'ya ang nagsulat nito at pwede nya gamitin ang kahit na anong gusto nyang tittle. Hanga rin ako sa taong ito. Hindi ko alam kung bakit? Pero, siguro, gusto ko siyang tumbasan. Hehe... Bongga! Pero,... bakit nga ba hindi? Hindi naman kami magkamukha. Magkaiba rin kami ng gamit na ballpen at papel. Magkaiba rin kami ng istorya ng buhay at maging sa edad. Sa istilo?... hindi ko alam. Maliban siguro kung nakapagpa-lisensya na sya lang ang pwedeng gumamit ng abakada. Pero, pasalamat ako sa kanya, dahil pumitik na naman ang mga daliri ko at kamay para magsulat. Hayaan ko na si Direk Carlo J. Caparas sa mga isinulat nya sa komiks. Dahil hindi ko naman kayang maging si Panday o si Medusa sa totoong buhay, magtutuwad man ako sa kalsada. Si Bob Ong, baka pwede pa. Hehe... lakas ko no? Kaya kong buhatin ang trono kong gawa sa kalawang. Si Carlo Vergara kaya?... Ay! Huwag na lang. Hindi ko yata kayang lumulon ng gang-ga palu-palong bato. Hindi ko rin kayang ipakita ang hita kong punong-puno ang balahibo. Baka mapagkamalan pa akong urang-utang. Nagtataka lang ako... sa galing lumunok ni Zha-Zha Zaturnnah ng bato, bakit hindi pa nya nilunok nalang yung higanteng palaka? Hehe... ayan, parang kritiko na rin ako. Basta, panoorin nyo na lang ang Zha-zha Zaturnnah at siguradong maliligayahan kayo at maiibsan ang inyong mga kalungkutan.

VIII

Magagaling talaga ang Pinoy, di ba? Humahanga ako sa mga manunulat kung kaya't nais ko rin siang tularan. Kaydami ko na rin kasing naisulat na istoryang kung anu-ano lang. Kung kaya naman, kung anu-ano na ring insekto ang namahay, humakbang at nag kulay lupa na ang mga papel na dating puti. Gusto ng maging soil. Ayun!... nakatambak pa rin kahit dikit-dikit na ang bawat pahina. Sabagay, mga buod lang din kasi iyon. Di ko pa tapus gawin o isulat ito para maging libro o scratch kaya. Andami ko kasing priorities. Kapag wala talagang tyaga, walang nilaga, ang sabi nga ng mga matatanda. Kaya naman magmula ng makita at mabasa ko ang librong “Stainless Longganisa” ni Bob Ong ay doon ko lubusang napagmasdan ang ballpen at papel. Sayang nga naman ang mga ito kung hindi rin lang gagamitin. Kay husay pa man din ng nakalikha nito. Hindi ko na sasabihin kung sino. Hindi ko rin naman talaga ito kilala. Hindi kaya si Rizal?... Ay, pakpak pa lang yata ang gamit nyang panulat noon sa Noli Me Tangere. Paano nga rin ba naisulat ang Alibata?... Nakaukit naman yata ito sa puno ng kawayan. Ah, ewan! Basta, 'yun na yon!

IX

Nakatikim na ba kayo ng “Retaso?” Marahil ay tela agad ang nasa isip n’yo. Ito ay ang mga pinagputulan o pinagtabasan ng tinapay sa panaderya. Madalas ito ang almusal at miryenda naming pamilya. Maswerte na kami kung makabili kami ng bagong luto. Minsan kasi, halos tatlong linggo na itong nakabalot at halos lasang amag na. Pero may kasabihan nga na walang matigas na tinapay sa mainit na kape. Laman tiyan din kasi ito. Lalo pa kung kumakalam ang tiyan, at ito lang din ang kaya naming bilhin. And paborito ko pa nga noon ay ‘yung Alembong, Bakya, Sampalok at Puding. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang mga tawag na iyon. Basta’t ang alam ko, masarap ang mga ito. Susyal ka na noon kung makakabili ka nito. Para ka ng kumain ng hamburger ng McDonalds at Jollibee. Kaya naman habang mayroon pa ako nito, madalas akong maupo sa sementong upuan sa aming plaza, habang nanonood ng naglalaro ng basketball. Hindi ko naman paboritong laro ang basketball. Ang mga nilalaro ko noon ay ang mga Luksong Baka, Chinese Garter, Patintero, Taguang Pong, Jack’s Stone, Haring Taga at Taguan ng Lastiko na bundok ng lupa o buhangin na ginagamitan pa ng stick para makuha. Natuto rin ako nuong mag holla-hoops. Paktaylo sa akin lahat ng mga kababata ko, dahil ulti mo yata daliri ko ay kayang paikutin ang hulla-hoops. Hindi ako nahihiya maglaro at sumali sa paligsahan. Lagi kasi akong nananalo. Maging ang Nanay ko ay isinasali pa ako sa fiesta-han. Naalala ko tuloy nuong maliit pa ako. Isinasali din ako ng Nanay ko sa sayawan. Pearly Shell pa nga ang paborito niyang ipasayaw sa akin. Minsan din ay yung Body Language nang mauso ito. Para daw kasi akong sawa kung sumayaw. Haaay…. Sa dami ba naman ng hayop na mapgkukumparahan sa akin ay duon pa sa kung saan ako takot na takot. Ano nga ba ang tawag sa taong takot sa ahas?… Ewan ko na nga ba. Nakalimutan ko na.

X

Sa paglipas talaga ng panahon, marami tayong mga bagay na kayang gawin noon na hindi na sa ngayon. Hindi ko na kayang mag Holla-hoops at mag sayaw ng Body Language na parang sawa. Matigas na ang mga buto ko at may rayuma na akong nararamdaman. Pero hini ibig sabihin na hindi na ako kumakain ng mga paborito kong ulam. Ang tapik-tapik, tuyo, tinapa, kangkong at papaitan. And sabi ng iba, iyung papaitan daw ay mula sa katas o tae ng Kambing. Yak!… Iw!…. pero kung totoo man ito, wala akong magagawa. Nakakain na kasi ako ng ilang beses, at maging hanggang sa ngayon. Basta ang alam ko ay mula ito sa apdo ng kambing. Alam n’yo, nagtataka lang ako., bakit kaya bilug-bilog ang dumi ng kambing? Ayon sa istorya na narinig ko noon, ang mga kambing daw kasi ang kauna-unahang nakatikim ng kape. Dahil ba kaya sa kape, kaya ganuon na lang ang hugis ng dumi ng kambing? Paano naman ang kalabaw at baka? Hot cake kaya ang una nilang nakain? Hehe… alamin!

XI

Napapansin din ba n’yo na ang mga matatanda naman ang kadalasang mag-asal bata? Lalo na kung may sakit ito at naglalambing sa mga anak. Paano kaya sa pagtanda ko? Kaya ko pa kayang mag Holla-hoops? Naku!… baka mapabilang na ako sa Guiness World Book of Records n’yan. Iw!… o baka pwede ko sabihin sa mundo na humihigop ako ng sabaw na luto at galing pa sa tae ng Kambing! Hehehe…champion!

XII

Kita n’yo ang isaw, iniluluto at bina-Barbeque na ngayon. Maging ang dugo, dila ng manok, paa o adidas, ulo, atay at balun-balunan ng manok. Baka sa susunod pa ay pati Kuko na ay kinakain na rin? Patunay lang na dumadami na ang tao sa mundo (Pilipinas pala), at kulang na tayo sa pagkain. Kaya naman ang mga intsik o Tsinoy ay nagluluto na ng mga putaheng kakaiba, pero masarap. Ang palaka, daga, aso, pusa, ahas, butiki, ipis, bulate at mga uod ay kinakain na rin. Yak!… Marami na rin kasi akong nakaing mga kakaibang pagkain noon. Lalo pa nuong namumulot pa ako sa mga basurahan. Oy!., hindi ako nagpapa-awa, ha? Kwento ko lang buhay ko. Nakakain na ako ng dagang bukid. Madalas kasi sabihin sa amin ang Tatay ko na ibon daw iyon. Yehey!… tuwang-tuwa naman kaming magkakapatid na walang kamalay-malay na daga para iyon. Pero, in fairness, masarap sya. Yummy!…. lalo kapag adobo ang luto. Wow, Chicken!…. Noon ay madalas din kaming mag-ulam Tinolang Palaka. Lasang manok din ito. Yung dagang bukid, ang sabi ng iba ay nakakapagpakinis daw ng kutis o balat. Kaya naman pala makinis ang kutis ko! Hehe…. Masarap ding kainin ang Ar-arawan o yung insekto bang parang nagbubungkal ng lupa sa bikid, na kulay lupa rin. Masarap ito, lalo kung ibubusa mo ito sa kaunti lang na asin. Hmmm!… Miss ko na tuloy kumain uli ng mga ito.

XIII

Mula ng makatapos ako ng high school, nagtungo na rin ako ng Maynila at nakipanuluyan sa Ate ko. Nag-aral din ako at sabay na nagtrabaho bilang Waiter sa isang Italian Restaurant. Nagpapasalamat ako sa may-ari nuon, dahil kahit niloko ko lang sila sa tamang edad ko ay tinanggap parin nila ako. Wala pa kasi ako sa edad labing-walo noon. Habang nagtatrabaho at nag-aaral ay hirap ako sa pag-gising ng maaga. Pero wala akong magagawa, ipinanganak akong mahirap. Kahit hindi ako gaanong marunong mag-english, naiintindihan ko rin naman kahit papaano ang mga isinasabi ng aming customers. Kadalasan naman kasi ay itinuturo lang nila ang gusto nilang order-rin sa Menu, kaya ligtas na ako! Tinatandaan ko nalang kung saan ang itinuro nila. Hehe… lagot lang kung magkamali, kundi MALAKING CHARGE! And tawag nila. Yes or No lang ang sagot ko noon. Kapag Filipino naman ang customer ay Po at Opo lang ang sagot. Pero ngayon ay iba na talaga ang panahon. Hindi ko na gaanong naririnig ang Po at Opo sa mga bata. Ang mga magulang sa ngayon kung maaari ay English ang itinuturo sa kanilang mga anak. Mabubura na ba ang Pilipinas sa mundo?Puro English na yata ang salita ng bawat Filipino? Kahit mga kabataanay marurunong na ring mang-uto ng mga parukyano. Karamihan pa nga ay nakikipag-kaibigan na at naghahanap ng mga mapapangasawa sa Internet at hindi nahihiyang ipakita ang mukha sa mga camera. Sari-sari ang mga hitsura. May puno ng tighiyawat, sangod ang ilong, kalbo, duling, pero okay pa rin. Kung sabagay, hindi naman talaga sa hitsura nakukuha ang lahat. Sa ugali, at marahil din ay sa talino.

XIV

Ang sabi ng iba, kapag parati ka daw kumakain ng Mani ay tatalino ka. Totoo ba ito?… Kasi ako, Mais ang paborito kong kainin. Pero mukhang kapareho ko lang ang iba. Kasi, kapag lagi akong kumakain ng Mani ay nagma-mantika ang mukha ko at nagkakatighiyawat. Depende lang siguro sa tao kung talagang may tiyagang matuto. Parang sa pagbabasa. Hindi ako mahilig magbasa noon. Kung magbasa man ako ay hindi ko lubos na naiintindihan ang binabasa ko. Kasi nga ay binabalewala ko lang ito. Ito nga siguro ang pagkakamali ko noon. Tama nga uli si Bob Ong sa libro n’ang isinulat na “Bakit Baligtad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?” Kasi wala sa loob nila o di pinapansin ang kanilang mga binabasa. Tulad na lang ng mga karatulang naka-paskil sa mga kalsada at mga pader. “Bawal Umihi Dito”… pero ayun ka at patuloy pa rin sa pag-ihi si Pino! “Bawal Magtapon Ng Basura Dito”… pero ayun ka rin at bunton-bunton ang mga basurang nakatambak ditto. Ano ba yan?!…

XV

Diba ang lahat naman ay dumaan sa pagiging estudyante? Itinuturo naman ng guro ang tama at isinasabi ang mali. Pero bakit nangyayari ito? Natagurian pa man din ang Pilipinas na “Most Educated Country” pero kita mo naman ang ginagawa ng Pinoy. Hindi naman siguro tinuturuan ng guro ang mga estudyante na kumahol at maging baboy, di ba? Bakit tayo nagiging ganito? Ayun!... si Tatang, umiihi sa pader. Naka-angat pa ang isang paa dahil naaagusan ng sarili n’yang ihi. Si Erna at Pino nama’y dumudura sa mga kalsada, at kadalasa’y dumidikit ito sa mga bintana ng jeep. Pinagnguyaan ng chicklet ay idinidikit sa ilalim ng lamesa at upuan. Kulangot ay pinipitik sa di kalayuan. Si Bosing, madalas tumawid kahit di pa tawiran. Buhol-buhol ang traffic. Ayun!...naputikan ang puti n’yang damit. Natalsikan ng ng tubig kanal na nadaanan ng jeep dahil sa butas-butas na kalsada. Tubig ay sumisirit galing sa di maayos-ayos na tubo ng NAWASA, na sadya din naming sinisira ng mga taga eskwater para sila ay magkatubigat isisingil naman ng ng kumpanya sa ibang taong walang alam dito. Environmental Charge, ika nga. Ganun din sa kuryente. Hayyyy.. ewan.

XVI

Si Tsong at si Tsang ay masayang nag-iinuman sa kalsada. Nagbabawas ng lungkot pero nagdadagdag ng problema. Dahil awayan na pagkaubos alak, Bakbakan na!... Pukpukan, batuhan at sigawan. Kay tatapang ng Pinoy…. Kaytatapang ng apog! Bastusan na! Hehe…

XVII

Bakit nga din ba ang mga kabataan ngayo’y gabi na kung umuwi?... Naghahanap siguro ng Papa, para mgakatapos ng pag-aaral. Hehe… Pero ‘di naman Papa ang nakikita nila kundi baby sa kanilang sinapupunan. Buntis agad, di ba? Swerte, Buti pa sila. Samatalang kaydami kong kakilala na ayaw mabuntis kahit isang beses magahasa at magpagahasa, o, mang-gahasa ng lalake. Bading pala. Hehe… Sali na kayo mga Tsong! Dumadami na sila. Hasy naku!.. baka sa susunod ay tae na ng tao ang nakakalat sa kalsada. Huwag naman sana.

XVIII

Ewan ko ba? Basta hindi ako marunong kumahol at mag-oink-oink! Pero hindi ko pa rin siguro masasabi dahil tao lang din ako. Nagagawa ko rin kasing magtapon ng balat ng candy sa kalsada. Wala naman sigurong hindi nakakagawa noon. Kung hindi, pwede pala ako s Guiness Book of Record. Hehe… Pantapal nga sa ari ng babae ay may nagtatapon din sa daan. How about.... saplot ng lalaki sa daan?... Wala, pero marami kang makikitang nakasabit sa mga bakuran at duon sinasampay ng magaling na asawa. Din a nakiya. Joke!...

XIX

Nasaan na nga ba ako?... Marahil nga ay hindi rin ako marunong magsulat. Hindi rin kasi ako mahilig magbasa. Saan nga ba ako pupunta? Naitanong nyo nab a sa srili n’yo ito?... Hindi ba’t kung wala tayong magawa ay kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa isipan natin? Minsan ay naiiyak na lamang tayo dahil naaalala natin an gating mga kasawian sa buhay. Minsan nama’y natatawa tayo, sa tuwing maaalala naman natin an gating mga kalookohan. Pero, nasubukan mo na bang isulat ang mga damdamin mo sa papel during those times?... Tulad ko. Halu-halo na yata ang naisulat ko ditto at parang hindi ko na alam. May oras na ganoon ang pakirandam mo, di ba?

XX

Mahilig ka bang makinig?... Ano nga ba ang nahihita natin sa pakikinig? Tsismis ba? O, mga bulungan o alingawngaw sa kung saan-saan nagmumula? Ako, mahilig akong makinig keysa sa magbasa. Hindi ko alam kung bakit? Pero mahilig din naman akong magsulat. Kung anu-ano na nga lang ang topics. Tulad nito. Inuulit ko, hindi ako nagmamakaawa sa isinusulat ko. Ikinukwento ko lang ang buhay ko at nakikita ko sa mundo, na para bang ako si Lola Basyang. Hehe… Baka sakaling may mapulot kayong aral sa mga kwento ko habang kayo’y naglalakad sa kalsada. Hindi naman ako magaling. Pero, gusto kong gumaling sa pagsusulat. Sana nga ay maghimala. Kaya naman kung may maisasabi kayo sa isinulat kong ito ay hihintayin ko, para lalo pa akong humusay sa pagsusulat. Salamat ng maaga, kahit gabi ng isinusulat ko ito. Peace!...



XXI

Noon kasing nag-aaral pa lang ako kasabay ng trabaho, marami akong palpak sa buhay. Pero dir in nagtagal ay natutunan kong baguhin ang mga ito. Unti-unti ay nagging matatag ako at humusay sa napili kong trabaho. Nakukula lang ang lahat sa tiyaga, pasensiya at pagbibigay. Kung kaya’t ang mga taong uaapi sa akin noon ay binabawian ko lang ng ngiti o pagtingin. Kaya naman iba na rin ang tingin nila sa akin ngayon. Hindi na ako ang dating tao na nakasuot ng lumang damit at butas na tsinelas, habang namumulot sa mga basurahan o nagtutulak ng kariton. Sapat na ang aking natutunan at pinag-aralan upang matuklasan ang tama sa mga mali kong nagagawa at nakikita sa mga ginagawa rin ng mga tao sa bansa. Mamahalin ang aking mga kasuotan ngayon. Hindi lang basta mabibili ang mga ito sa kung saan-saanng lansangan. Nagbago na nga rin ako…. Miss ko na sila. Ngek!... Nek-nek nila! Hehe… Gayunpaman, wala akong masamang ipinakita sa kanila. Ako pa rin ang dati nilang kapitbahay, ka-klase at kababata. Mas gwapo na nga lang din ako sa ngayon, at matangkad pa. Hehe… Bigay ng upuan ko ah!... Anyways, sino ba naman kasi ang mag-aakalang magiging kahawoig ko si Troy Montero at Cesar Montano? Hehe…. Kakaiba na ang trono ko ngayon, hindi na kinakalawang. Lalo pa at nakarating na rin ako ng ibang bansa (para magsilbi sa mga dayuhan). Nagkulay gatas na rin ang balat ko, kahit papaano, mula sa dating kulay tingga. Nakakain na rin ako ng mga pagkaing di naming nakakain noon. Ang mga mamamantikang ulam na inilalabas ko rin naman sa kubeta. Yak! Mas mabaho pa pala sa gulay pag-idinumi. Kasi ang kangkong, sumasabit lang sa bituka. Hehe… Kadiri! Sa karne kasi, lalo kung mataba, magkakasakit ka pa sa puso at malamang atakihin so sobra. Kaya ingay kayo mga ‘tol. Dahan-dahan ang kain ng baboy, baka ka tumaba.

XXII

Di nga rin nagtagal ay nakarating din ng ibang bansa ang aking mga magulang. Pinaranas naming sa kanila ang buhay na nuo’y hindi nila naranasan. Pero ano ka? Luho lang pala ang mga iyan!... Ang buhay sa ibang bansa ay tulad lang din sa Pinas. Kakaiba lang ang ihip ng hangin, dahil malamig doon at umuulan ng yelo. Pero, sabagay, masarap din naming minsan ay magkaluho. Hehe… Huwag nga lang sosobra. Dahil sabi nga ng mga matatanda ay “Huwag mong piliting abutin ang tala, kung ang pagbagsak mo ay sa takla”. Oo, takla!.. ‘yung pinipiga na panghalo sa papaitan. Hehe….

XXIII

Ngayon, hindi man kami yumaman ay gumiginhawa rin naman dahil sa aming pagsisikap. Kaya naman sinusuklian din namain an gaming mga magulang sa kanilang pagsisikap na kami ay maiahon din sa hirap ng buhay. Pinaranas naming sa kanila ang buhay na maraya at maganda. Sumakay sa eroplano, barko, bus, traysikel, bisikleta, kabayo at side car. Para kahit papaano ay ngumiti naman sila sa mundo, tulad ng ngiti naming habang nakikita silang masaya. Hindi na naman sa bubuhatin ko ang aking mabigat na upuan… Ilan din kaya ang tulad naming na nagnanais na mapasaya at maipalasap sa kanilang mga magulang ang magandang buhay? Tulad ng mga pangarap nila noon sa amin ay mangyari dahil sa hirap nga buhay? Iba na kasi ang kabataan ngayon. Nakadepende na halos lahat sa mga magulang. Lalo din at aprubado na ng gobyerno na pwedeng ireklamo ng mga anak ang mga magulang kung sila’y masaktan ng mga ito. Pero, papaano ba maihihiwalay ang pananakit kung hindi ito maisasabing pag-disiplina lang?...

XXIV

Natatandaan ko pa noon kung paano kami disiplinahin ng Tatay at Nanay namin. Kung hindi ito kurot, pingot, palo ng sinturon, walis tambo, waling tingting at mga sanga ng punong kahoy ay lumuluhod din kami sa asin o munggo. Kukulungin ka sa kwarto, di bibigyan ng baon sa isang lingo, pasasamahing magtanim ng palay sa bukid o maghuhugas ng pinagkainan sa isang buwan. Meron din akong naranasan na buong araw akong umiiyak at nakasiksik na ako sa ilalim ng kalanan sa di ko na matandaang kasalanan kong ginawa. Pero ang alam ko, kung papaluin ka ng Tatay o Nanay mo ay siguraduhin mong hindi sanga ng bayabas ang ipapalo sa iyo, dahil mas matindi pa ito sa latigo. Kaya siguro Napasiksik na ako sa ilalim ng kalanan namin. Hehe… Noon ko nga rin nasabi sa Nanay at Tatay ko na kapag naulit pa ang ganuong pamamalo nila sa akin ay hindi na nila ako makikita pang buhay. Hehe… Best Actor!... Kaya naman magmula noon ay hindi na nga ako nakatikim pa ng kahit na akong palo. Wow, effective!... Yehey! Ewan ko ba, matigas din naman kasi talaga ang ulo ko noon. Di kasi me nakakauwi ng maaga, dahil tumatanghod pa ako sa plaza. Baka sakaling makasakay ako ng libre sa ruweda. Tama nga din naman kasi sila. Ayaw nila akong makitang kaawa-awa sa kalsada kahit mahirap ang buhay namin. Pero laking pasasalamat ko rin talaga, dahil sa naisabi ko ay hindi na nga ako nasaktan pa ng mga magulang ko. Pakiramdam ko ay hari na ako noon. Dahil ang iba kong kapatid ay napapalo pa rin. Pero ayokong sabihin sa kanila ang sikreto ko. Hehe.. baka kasi gawin nila sa tutoong buhay. Di baling ako na lang ang maging Best Actor, wala na akong kaagaw pa. Ok, ba? Hehe… Pero, tama ban a binigyan ko ng takot ang mga magulang kop noon sa kanilang nagawa sa aking pagpalo o pagdisiplina? Pero, masarap ang feeling ko na hindi na ako napapalo, kahit hindi ko naman talaga kayang magpakamatay. Dahil kung magpapakamatay ako, saan kaya ako pupunta?... May impyerno nga ba o langit?... Nakakatawa kaya ng mga hitsura ng mga tao sa impyerno? Kung namamalo din ba si San Pedro sa langit? Hindi ko alam. Kayo ba, gusto n’yo bang malaman?... Sige, magpakamatay na kayo! Hehe… Dito ko napatunayan na ang lahat ng bagay ay napag-uusapan. Nakukuha sa salita o usapang sa puso magmumula. Wala rin naman kasi sigurong magulang na naghahangad na mapahamak ang kanilang mga anak, di ba? Maliban na nga lamang kung mawala na ang mga ito sa kanilang mga katinuan ng pag-iisip, at kinakailangan ng ipa-konsulta kay Doctor Bean. Hehe… Kaya lang din naman kasi namamalo ang mga magulang natin, ay dahil may mga kasalanan din tayong nagagawa.Minsan ay dir in natin masisisi an gating mga magulang na mawala sa sarili dahil sa ating mga ginagawa. Mahirap magpalaki ng anak, dahil mahirap kumita ng pera at tustusan ng lahat ng kailangan sa buhay. Pagod at hirap ang kanilang dinaranas, tapos ay matitigas pa ang ating mga ulo. Iyon ang madalas na nagiging dahilan kaya sila nakapag-bubuhat ng kanilang mga kamay. Kung ang mga amo nga sa trabaho ay nakapananakit din. So, bakit ko sisisihin ang mga magulang ko sa kanilang nagawa sa akin? Kaya naman kahit mahirap ang buhay naming n oon, magulang ko pa rin sila at dapat pasalamatan. Mahal ko sila at alam kong mahal na mahal din nila ako. Ayokong hintayin ang panahon na kung kalian wala na sila ay saka ko sasabihing mahal ko sila. Wala lang…. naramdaman ko lang ito sa kanila habang lumalaki ako at nagkakaisip. Mahal ko talaga ang mga magulang ko. Luv u, Nay, Tay! Hehe….

XXV

Sa ngayon nga ay iba’t-iba na ang naranasan at naabot ko. Pero hindi ang Tala, dahil ayokong maging Takla. Nagsimula ako sa pagiging makendeng na bata, Magbubukid, Basurero, Estudyante, Waiter, Cashier, Captain Waiter, Butler, Seaman, Supervisor, Restaurant Manager, F&B Supervisor, F&B Manager, Duty Manager, Front Office Manager, Operations Manager, Corporate Training Manager, Hotel Manager at Maging General Manager. Sa dami ng aking nagging posisyon, isa lang ang aking masasabi. Iba-iba ang ugali ng mga Amo or Boss. May masusungit, may matataas ang Pride (maybe because mayaman sila), may magkakaiba ng desisyon at s’ya lang ang dapat mag-desisyon. Pero, kailangan mong maging flexible sa lahat. You still have to follow them, dahil sila ang Boss mo.

XXVI

Sa unang pagkakataong ako nga ay nagging isang General Manager ng Hotel, mataas nga ang aking posisyon, hindi naman ako makapag-desisyon. Kaya minabuti ko nalang na umalis dahil wala akong natutunan doon kundi ang magmura. Parang ang Amo ko na pagkatapos magdasal ay nagmumura na. Sana, magbago na sila. Patawarin din sana ako ni Bathala sa pagsasabi ko nga totoo. Meron ba tayong Bathala?... Ewan ko na nga ba. Basta ang iba ay nagsasamba pa sa mga rebulto ay okay na rin ako. Yung iba pa nga, sinasamba nila si Machete eh, o di kaya ay si Adonis. Hehe… Sino nga ba ang mga ito? Ulti mo kahoy ay sinasamba na rin? Hello?!... ako na lang ang pagnasaan n’yo! Tatalunin ko pa si Machete. Hehe… Kaya marami yata ang babae at lalaki na walang partner dahil sa mga rebulto? Anak naman kasi ng Teteng!... Bakit ba naman kasi hindi lahat n g tao ay magkakamukha o may mukha? May pango, sarat ang ilong, punong-puno ng tighiyawat ang mukha at marami pang iba. Ayan tuloy, pati mga tuod ay pinagnanasaan na.

XXVII

Sabi nga ng iba, ang lahat ng nangyayari sa buhay ay may dahilan. Ano nga ba ang mga dahilang ito? Malabo, malinaw o di gaano. Hindi natin alam. Pero, papaano nga ba natin ito malalaman? Kailangan ba nating mabasa ang lahat ng libro? Kailangan bang parati tayong nakatutok sa ABS-CBN or GMA-7? Papaano nga kaya?... Hehe…. Baka sakali malaman mo ditto sa libro ko o di kaya ay tanungin mo ang iyong guro.

XXVIII

Sa ngayon ay napagmasdan ko na naman ang aking ballpen. Wala na naman kasi akong ginagawa. Kailangan ba kasing lagi tayong walang ginagawa bago mapansin ang ating mga ballpen? Siguro nga. Ano nga din ba kasi ang mga dapat gawin kung wala kang ginagawa? Kusa na lang din kasi minsan na maiisip mo itong gawin, di ba? Bakit hindi natin umpisahan ang tungkol sa pag-ibig? Alam na ba natin ang tunay na kahulugan nito? Para sa akin, ang pag-ibig ay ang kahit na anong bagay na nakapagpapasaya sa lahat. Dahil kung umiiyak ka ay marahil na hindi na ito pag-ibig, kundi ay kasawian o pagkabigo, na dulot din naman nito. Ilang beses na akong nagmahal. Noong una ay masaya ako sa piling n’ya. Pero di rin nagtagal ay nagkalayo kami. Sino nga ba ang may kasalanan? Pareho kami. Marahil ay hindi naming alam ang aming mga nagawa. Huwag n’yo ng alamin kung sino s’ya, basta ang mahalaga ay mabigyan ko kayo ng kaalaman tungkol sa pag-ibig. Hindi nga ba’t isinabi ko na ang lahat ng bagay ay may dahilan? Siguro nga. Pero masaya na rin ako na sa bawat pagtatapos ng bawat relasyon ko ay nakakatulong ako sa kanila. Ganoon din dapat ang iisipin ng lahat. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay puro kasawian ang masasahod natin. Umuulan din ng saya at ligaya sa buhay. Hintayin n’yo nga lang. Pero papaano ka ba kasi magmahal?... Nagagawa mo bang ipaglaba at ipag-plantsa ang iyong minamahal? Nasubukan mo na bang uminom kayo sa iisang baso at umihi sa plastic na cup ng Seafood Noodles? Kung hindi pa, subukan mo at masaya ito. Iyon ang pag-ibig. Ang saya sa piling ng iyong minamahal.

XXIX

Iba’t-iba ang kahulugan ng saya. May sayang naidudulot din ang mga pagtawag o pagbibigay ng bagong pangalan sa iyong minamahal. Pwedeng Baby, Mahal, Luv, Honey, Sweety, Teddy Bear, Papa Bear, Mama Bear, Baby Bear, Babes, Tootsie at kung anu-ano pa. Nakapagpapasaya din ang panonood ng sine ng magkasama at pagkikilitian sa kama. Hehe… ‘wag lang ang saya na makikita ka ng bago mong magiging Papa o Mama, gayung mayroon ka pang minamahal. Paglalaro na ang tawag duon. Dito nagsisimula ang pagkasira ng relasyon. Nariyan na ang selosan, tampuhan at hindi pagkikibuan, hanggang sa mauwi sa hiwalayan. Pagkatapos nito, matututunan nating gumala kahit na mag-isa. Nakakakita ng mga bagong kaibigan sa inuman, eskwelahan, mall at sinehan. Ang alam ko, ang mga taong sanay na sa ganitong buhay ay opkay lang na maglaro sa ulan. Kahit na ano pang laro ay kaya nilang pasukan. Pero hindi ko naman isinasabing hindi na sila dapat na mapgakatiwalaan. Dahil tao rin sila na naghahanap ng tamang oras para magmahal. At isa na rin ako sa kanila noon. Pero, hindi na sa ngayon. Mas mabuti kung magmamahal ka talaga sa taong gusto mo at handa kang samahan sa buhay. Na handing kumain lamang ng Tinapa, Tuyo, Kangkong, Tapik-tapik at Papaitan. Na handing makaranas ng kakaibang buhay o pamumuhay na makapagdadagdag sa kanila ng mga kaalaman para mabuhay. Na hind imaging tulad ng Baboy na laging marumi at Asong kung saan-saan na lamang dumudumi at umiihi, at nakakatagpo ng makakapulo’t-gata. Siguro naman ay sapat na an gating mga pinag-aralan para makaiwas sa mga ito.

XXX

Oo nga at tay ay nagkakamali sa buhay. Pero ang mga pagkakamali din natin ang nagiging sandata para maitama ang lahat. Marami pa tayong mga matututunan. Mapa-trabaho, showbiz, pulitika, relasyon, pamilya at sa mga librong ating binabasa. Kahit sa mga simpleng bagay lamang kung atin itong pagtutuunan ng pansin, tayo ay may malalaman. Kaya nga tayo ay nag-aaral, hindi lang para matutong kumahol at mag-oink-oink, bago maging lubusang tao.

XXXI

Ang kwento nga noon, ang tao daw ay nagsimula sa Unggoy. Payag ka bang tawaging Unggoy?... Pero ang ipinagtataka ko lang, kung nagsimula ang tao sa tsonggo, bakit may mga asal Aso at Baboy? Huwag naman nating sabihing ang Unggoy ay pwede palang maging Aso o Baboy? Magkakaiba ito ng mga tunog. Pero kung sa bagay, parang naniniwala ako. Sa bansa nga lang natin ay may iba’t-ibang klase ng pagsasalita. May Slang, Ingles, Tagalog, Visaya, Ilocano, Kapangpangan at marami pang iba. Pero marunong naming lahat mag-tagalog. Ang medyo hindi ko lang maintindihan ay ang mag pasusyal na kung magsalita ay tila nakaipit ang dila o hindi alam and salitang A, E, I, O, U. Dahil puro “E” na lang ang maririnig mo. Tulad nmg “Beket? Eneng keylengen me se eken?”…. Yak! Galing bas a Tsonggo ‘yan o galling sa gubat ng Jumanji? O baka naman kamag-anak ni Golum sa Lord of the Ring, o di kaya’y galling sa lahi ng Kambing na umiingit ng “Mee-he-hee!” at tumatae ng papaitan? Wow!... Paborito ko yan! Hehe…

XXXII

KJayhirap din pala talagang maging manunulat. Masakit na kasi ang kalyo ko sa daliri, pero hindi ko pa rin alam kung tama ba ang mga isinusulat ko. Mag-drawing naman kaya ako?... Pero, sino naman ang ido-drawing ko? Si Monalisa?... Si Machete?... o si Pokwang? Ay!...’wag nay un. May mga may ari na. Kailangan ay ‘yung original kong gawa. Si Mang Teteng kaya?... Pero teka, hindi ko alam kung ano ang hitsura ni Mang Teteng. Siguro, isang matandang mukhang Unggoy?... parang hindi ko ma-imagine. Siguro… isang matandang makakalbo na at nagkakamot ng ulo?... Tama! Pwede na nga siguro ‘yon. Eh, how about his son?... Pero… paano ko rin ba ito maido-drawing eh, hindi ko rin alam kung sino ang asawa ni Mang Teteng?! Bahala na. Hindi naman siguro masasabi no Bob Ong na baligtad din ako magbasa ng libro. Kung baligtarin mo kaya ang titulo ng librong ito?... NGETET GN KANA!... Hehe.. Pwede na rin siguro. Tama nab a kayang tatlong ballpen ko ang naubos ko sa istoryang ito, o dagdagan ko pa?... Pero baka wala na akong maisabi pang mahahalaga kung papahabain ko pa. Baka boring na. Paikot-ikot na lang, nakakahilo. Sabagay, hilo na rin ako. Hindi ko na rin naman talaga alam kung ano ang mensahe ko ditto sa librong ito. Sige na nga, sa palagay ko naman ay hindi na BOBO ang mga Pinoy ngayon. Hindi naman na siguro natin kailangan pa ng Oxford o Webster’s Dictionary para i-translate ito. Baka si Balagtas pa, ay pwede na rin. O di kaya naman ay hanapin n’yo na lang ako. Baka Makita n’yo ako sa harapan ng in’yong bahay at namumulot sa basurahan. Dahil itinapon n’yo ang libro ko. Hehe… Kayo,… marunong din ba kayong magsulat? Alam din ba nin’yo na magugustuhan ng mga tao ang isusulat n’yo? Kung gayon, sa in’yo pala ako dapat makisabay. Para alam ko din kung paano mabuhay bilang isang manunulat.

XXXIII

TARA!... Nasubukan n’yo na bang kumain sa Restaurant at nagalit ka?... Naku! Iyan ang huwag na huwag nin’yong gagawin. Lalo pa ang magsauli ng pagkain. Dahil hindi mo alam ang ginagawa ng mga taong naiinis sa customer. Dinuduraan lang naman nila ito ng konti o di kaya ay pinapatakan ng tubig mula sa inodoro. Hehe.. Instant flavor!... Delicious. Bakit ko alam, kasi, nakita ko na dati ang kasamahan kong ginawa ito. At hindi lang ‘yan. Pinipigaan pa ng medias ang soup mo!... Hindi lang ditto sa Pinas ginagawa iyan. Mas nauna pa nga sa ibang bansa, gaya ng Europe at America. Gaya ng sa mga palabas sa takilya. Sarap na sarap sila. Hehe… Ilang taon na rin kasi akong nagtatrabaho sa Restaurant, kaya alam ko ang feeling ng mga empleyado na masyadong minamaltrato ng mga customers. Ikaw?... gusto mo bang mangyari ito sa ito? Ikaw ang bahala….

XXXIV

Paasensya na at medyo may kapilyuhan din ako sa buhay. Lahat naman yata ng tao ay mayroon nito. Wala rin naman kasing silbi ang buhay kung parati ka lang tahimik. May kasabihan nga din na “Ang bawat bagay ay may lagging dalawang kahulugan” Gaya ng Mabuti at Pangit, Puti at Itim, Matalino at Bobo at marami pang iba. Kaya naman hindi ako makukumpleto kung puro maganda lang ang kaya kong gawin. Di sana ay hindi ko na nalaman ang mga tama at mali. Ayoko naman kasing sabihing mabait akong tao, kjahit iyon ang totoo. Hehe… Wala na yatang Santo sa mundo ngayon. Nagkadamay-damay na tayong lahat magmula ng kagatin ni Eve ang Mansanas. Tapos, lahat pa halos ng tao ngayon ay nakakagat na rin ng Mansanas. Wala ng nangyari. Makasalanan na tuloy tayong lahat. Si Mang Teteng na lang siguro ang hindi. Kasi, karakter ko lang s’ya sa libro kong ito. Hindi s’ya nabubuhay o kapangalan ng may kaparehong ngalan lamang. Tanging papel at ballpen ko lamang s’ya. Pero, hindi rin ibig sabihin na porke ako ang nagsulat, ay ako si Mang Teteng. No way!... kung maganda ba ang magiging image to sa tao, mas lalong okay.

XXXV

Pero, paano nga ba ang maging mabait?... Hindi Daga, ha? Baka akalain n’yo na ito ay Daga na kung tawagin noon ng mga matatanda ay “Mabait”. Minsan din ang tawag ditto at “Bubuwit”. Ewan ko kung bakit. Kayraming pwedeng itawag. Ganyan ang nangyayari sa atin ngayon. Kahit mga libro ay napapalitan na rin ng tittle at binabago lang ang ilan, pero iyon pa rin iyon. Tulad ng kanta. Kung sinu-sino na ang kumanta ng iisang awitin, pero iisa lang din an g may likha. Iyon ang mahalaga. Basta orihinal ang mga ito.

XXXVI

Nasubukan mo na bang mangopya ng ginawa o isinulat ng isang manunulat? Ako. Oo. Kasi iyon ang sabi ng Titser ko noon. Kinokopya ko lang naman, hindi ko isinasabing sa akin iyon. Dahil, iyon ang mali. Mas maganda talaga kung irohinal ang iyong mga ginagawa. Kahit pa hindi ito gaanong kaganda. Minsan kasi ang gawa natin ngayon ay hindi pa kaagad magugustuhan ng iba. Pero pag-nagtagal ay hahanapin nila ito at magugustuhan na. At doon tayo makikilala, kapag nakalimutan na nila ang pangalan natin. Kaya ako, maipagmamalaki kong ako ay isang tunay na Pinoy. Dahil hindi ako nangongopya ng isinulat ng iba. Ikaw, Filipino ka ba?... O anak ka ba ni Mang Teteng na lagging nagkakamot? Dahil hindi n’ya alam ang kanyang mga nagagawa, at sa huli na lamang n’ya ito nalalaman?... Hehehe…. Iyon nga si Mang Teteng. Isang Filipinong nagkakamali din, ngunit mabuti na lang at natututo na siya ngayon. Medyo alam na n’ya ang nagyayari sa kanyang kapaligiran. Gagayahin mo ba siya? O, magiging ikaw ka na lang hanggang sa pagtanda mo?

Mabuhay ka Mang Teteng!... Hindo Aso, hindi Baboy, at mas lalong hindio Unggoy kundi isang bagong Pinoy (mabagal nga lang).

TAPOS